Tahanan ng mga taga PEYUPS

UP Diliman Trivia

UP Diliman TRIVIA
Source: FOPC `98 Freshmen Survival Kit

1. Luntian at pula, ang sagisag ng UP magpakailanman.
2. Ang ibong nasa selyo ng UP ay isang parrot at hindi isang agila.
3. Sa dinami-dami ng puno sa paligid ng sunken garden, isa lang ang
puno ng niyog.
4. Dahil sa tinatamaan ng Marikina fault line, hanggang ngayo’y
lumulubog pa rin ang sunken garden.
5. Ang official test booklet ng UP ay ang blue book. Mabibili ito sa
tabi-tabi.
6. Paboritong pampalipas gutom ng mga taga-UP ang fishball at isaw.
7. Lahat ng issues ng Philippine Collegian o Kule, opisyal na
pahayagan ng UP, ay may oblation.
8. Noong 1960’s, ang lagoon ay isang golf course.
9. Ang orihinal na Oblation ay matatagpuan sa Archives Section ng
Main Lib (4th floor).
10. Ang college ng mga Tourism Majors ay ang Asian Institute of
Tourism (AIT), na nasa tapat ng Gym across Commonwealth Avenue.
11. Ang pinakamalaking daan papuntang AS galing Eng’g ay ang Beta
Way.
12. Huwag kayong magugulat kung may mag-alok ng kung anu-anong
kaeklatan sa AS Walk. Ito ang economic zone ng UP Diliman.
13. May mga multo dito sa UP.
14. Si Fernando Poe Sr. ang model ng Oblation.
15. Dito sa UP, uso rin ang color coding. Berde ang bubong ng mga
Philcoa, Pantranco at SM na jeeps; maroon kung biyaheng Katipunan at
dilaw kung IKOT o TOKI.
16. Sa mga nagmamadali o feeling macho, bawal ang sabit sa jeep.
17. Bawal din pumara kung saan-saan. Sa waiting sheds at mga boxed
areas lang ang babaan.
18. Ang UP ay tinaguriang University of Pila.
19. CAL, CSSP, at CS ang tinutukoy na tri-colleges. Sila ang
binibigyan ng priority tuwing reg ng GE subjects.
20. Para makatipid, bumili sa Aristocarts - mga restaurants na nasa
kariton.
21. 2.2 kilometro ang haba ng Acad Oval.
22. College of Arts and Sciences Alumni Association ang ibig sabihin
ng CASAA.
23. May mga ATM machines sa Shopping Center, NEC, ISSI, at CS Lib.
24. Ang lagoon ay isang water purifier.
25. Ang dorm lang na walang basketball court ay ang Kamia.
26. May leon sa magkabilang gilid ng Main Library.
27. May silid sa ilalim ng istatwa ni Oblation.
28. May virgin forest dito sa loob ng UP - ang Arboretum.
29. Pangalan ng mga pangulo ng Pilipinas ang mga kalye na parallel sa
east-west axis.
30. Ang Acad Oval ay may 16 na humps.
31. Ang official name ng Sunken Garden ay General Luna Parade
Grounds.
32. May mga nagtitinda sa loob ng ladies room sa may 1st at 2nd
floors ng AS.
33. Naiikot ang iskultura sa harap ng BA.
34. May vending machines sa BA, International Center (IC), at Music.
35. UP lang ang bukod tanging pamantasan na walang gate.
36. Hindi pwede ang naka-shorts o naka-tsinelas sa DMST.
37. Kung 1/3 na ng oras ng klase ang nakalipas at wala pa ang guro,
maaari nang umalis ang mga estudyante.
38. Ang nag-design ng UP Chapel, ang Big Dome ng UP, ay si Leandro
Locsin, First National Artist for Arki.
39. Ang orihinal na estatwa ni Bonifacio sa Balintawak ay nalipat sa
harap ng Vinzon’s Hall.
40. Sa UP, walang dress code.
41. Minsan ay may isang university-wide prom, ang Cadena de Amor.
42. Tuwing Lunes, alas-8 ng umaga, tinutugtog ang Pambansang Awit at
UP Naming Mahal sa AS.
43. Ang taas ng Oblation ay 3.5 meters. Ito ay nagsisimbulo ng 350 
taon ng pananakop ng mga Kastila.
44. Ang UP College of Architecture lang ang nag-aalok ng kursong
Landscape Architecture sa buong bansa.
45. Ang batingaw ng mga kampana ay maririnig mula sa Carillon Tower.
46. Ang university graduation ay ginaganap sa Amphitheater taun-taon.
47. Isa lang ang intersection sa UP na gumagana ang traffic lights.
Ito ay ang intersection ng Eng’g at tennis courts.
48. Ang ISMED ay ibinigay ng mga Hapon.
49. Ang nagkaloob ng Jorge Vargas Museum ay si Jorge Vargas. duh?!
50. May elevator sa Eng’g, di nga lang gumagana.
51. May elevator din sa Main Library.
52. May non-working elevator din sa FC.
53. Walang elavator sa AS.
54. Hindi pwedeng mangisda sa fishpond sa tapat ng AS 101.
55. Law of supply and demand ang tawag sa nagmimistulang fishball at
isaw na iskultura sa tapat ng BA.
56. May nabibiling palakang kokak sa NSRI sa likod ng AS, Chem Pav I,
sa halagang 20-30 pesos lamang.
57. Payapa at tahimik ang buhay sa UP tuwing sasapit ang araw ng
Miyerkules.
58. Payapa rin ang araw ng Sabado. Kasi konti lang ang may klase.
59. Maraming mananakbo at siklista tuwing Linggo.
60. Non-smoking area ang UP. Maniwala kayo.
61. Nakakaubos ng 50 kilo ng karne ang Beach House.
62. Hall of Famers sa Lantern Parade ang CHE at Fine Arts.
63. Naka-one-piece ang mga tumatakbo sa Oblation Run; isang t-shirt
na nakatakip sa mukha.
64. Mura lang manood ng sine sa Film Center. Wala nga lang second
showing.
65. UP lang ang tanging institusyon na may bumabyaheng jeepneys sa
loob.
66. Noong 1995 may pinakamaraming freshies na tinanggap ang UP,
mahigit kumulang na 4000 students.
67. Ang UP Observatory ang pinakamataas na lugar sa campus.
68. Pinakamababang lugar ang sunken garden. Lumulubog ito taun-taon.
69. Pwede kang umupo kahit saan sa UP, siguraduhin mo lang na hindi
ito tambayan ng kung sinong grupo, kung hindi’y instant neophyte ka.
70. Ang kulay ng mga pangunahing gusali ay itinulad sa kulay ng mga
gusali sa Harvard University.
71. UP lang ang may simbolong tao sa lahat ng mga unibersidad.
72. Taun-taon ay pinipintahan ng mga estudyante ang kalye sa tapat ng
AS.
73. Normal na sa UP ang mag-top sa board exam.
74. Mayroong 281 puno ng acacia sa academic oval, 109 sa outer lane
at 172 sa inner lane.
75. May sariling istasyon ng radyo ang UP na nasa likod ng opisina ng
Campus Architect.
76. May 12 flagpoles sa University Avenue.
77. May 22 poste ng ilaw sa university avenue.
78. Ang Beta Way ay 227 ang haba.
79. Ang AS Walk ay 302 metro kahaba.
80. 1952 ng itinayo ang pinakamatatandang bulwagan sa UP; Bulwagang
Benitez at Malcolm at Bulwagang Palma at Melchor.
81. Si Oblation ay nakaharap sa kanluran.
82. May sun-dial sa Eng’g. Hindi nga lang pwedeng gamitin sa gabi.
83. May 3 barber shops sa shopping center maliban pa sa 3 beauty
parlors; mayroon ding 5 food centers na pwedeng kainan.
84. Matanda pa sa mga estdyante ang mga duckpins ng bowling alley sa
Alumni Center.
85. Mayroong 40 stalls sa loob ng Shopping Center.
86. 50 sentimos lang ang isang fishball.
87. Ang IKOT, SM at Pantranco jeep, hanggang alas-9 ng gabi ang
pasada; ang Katipunan jeep, hanggang alas-10 ng gabi pero, hanggang
alas-6 lang sila umiikot sa loob ng UP; ang Philcoa jeep hanggang
alas-11 ng gabi.
88. Merong 224 parking slots sa AS parking lot.
89. Ang UP Post Office ay dating nasa malapit sa Vanguard building
bago ito lumipat sa gusaling malapit sa SC.
90. Lahat ng dorms sa UP, maliban sa Kalayaan, ay ipinangalan sa mga
bulaklak o puno.
91. Ang UP Carillon na may 46 bells ay binigyan ng bagong pangalang
"Andres Bonifacio Carillon" bilang pagpupugay sa kadakilaan ng
bayani.
92. May isang buliding sa Fine Arts na dating naging barracks ng
American Army noong WWII.

from: http://oblation.tribe.net/thread/60b8ae85-b6db-4d14-b1c1-82ce54352e1a

and: youareviewingmy



  1. thecaramelcoffee reblogged this from unibersidadngpilipinas
  2. mydnytmoon reblogged this from unibersidadngpilipinas
  3. tawazoned reblogged this from unibersidadngpilipinas
  4. neutralityatitsbest reblogged this from unibersidadngpilipinas
  5. asugardreams reblogged this from unibersidadngpilipinas
  6. clueless-princess reblogged this from unibersidadngpilipinas
  7. runaway-angel reblogged this from unibersidadngpilipinas
  8. tersita reblogged this from unibersidadngpilipinas
  9. wakocytosis reblogged this from triplentendre and added:
    @swampert, ikaw ba ung kaargue ko kung Eagle or Parrot? :)) see #2
  10. triplentendre reblogged this from karlaaamae
  11. karlaaamae reblogged this from alyxinwonderland
  12. alyxinwonderland reblogged this from beyondinfinities
  13. beyondinfinities reblogged this from steph-to-the-beat-of-my-heart
  14. steph-to-the-beat-of-my-heart reblogged this from rubyanjel and added:
    UP Diliman TRIVIA Source: FOPC `98 Freshmen Survival Kit 1. Luntian at pula, ang sagisag ng UP magpakailanman. 2. Ang...
  15. agentstarling reblogged this from sheyd and added:
    Mga nagbago at mga na-amaze ako. #27 - WHOA ‘di ko alam ‘yun. #47 - Umasenso na tayo, may traffic lights na sa Univ ave....
  16. rubyanjel reblogged this from sheyd
  17. sheyd reblogged this from kayeheartsyou
  18. sowfiya reblogged this from unibersidadngpilipinas
  19. wowaflyingpig reblogged this from unibersidadngpilipinas
  20. chontadora reblogged this from unibersidadngpilipinas
  21. kapiteroismymiddlename reblogged this from unibersidadngpilipinas
  22. nicoleknowsthee reblogged this from unibersidadngpilipinas
  23. in-cuor-mio reblogged this from unibersidadngpilipinas and added:
    19. CAL, CSSP, at CS ang tinutukoy na tri-colleges. Sila ang binibigyan ng priority tuwing reg ng GE subjects. WEH?????...
  24. pilyompilyam reblogged this from unibersidadngpilipinas
  25. groovyplanets reblogged this from unibersidadngpilipinas and added:
    AWW I miss UP T-T I miss college T-T
  26. hoshiandamaya reblogged this from unibersidadngpilipinas
  27. projnex reblogged this from unibersidadngpilipinas