About

Proud isko o iska ka ba? Dito tayo makisama.

Kung nais ninyo maglagay ng mga larawan, kwento, pangyayari o kahit anong kabulastugan ng buhay...

Maari ninyong ipadala ang mga ito sa:

peyups submissions


Kung mayroon kayong mga opinyon o nais sabihin

Ipadala dito.

Formerly known as YOOPEE Tumblr.


Note: No copyright infringement intended. All photos, videos and text are owned by their respective owners.









Custom Search

Submit a post

Cheshire - Created by Alter Imaging
2 months ago | 17 notes

Hindi Pantay na Laban

Grabe lang ang UP ALYANSA sa pamba-BASH ng other parties.

1. Sa STAND-UP: Noong mga nakaraang araw naglabas ang UP AKBAYAN ng isang statement (https://www.facebook.com/
photo.php?fbid=324745437571384&set=a.324745287571399.71836.221958411183421&type=1&theater) na nagsasaad ng pagkondena nito sa mga utang ng STAND-UP sa USC. Itong issue na ito ay actually NARESOLBA na 11 years na ang nakakaraan. Kung babasahin at iintindihing mabuti ang statement, mahahalatang ginamit ng UP AKBAYAN ang Issue ng STAND-UP para gamiting pangsuporta sa kanilang statement na

“Towards this end, we believe that ALYANSA in the next USC will, through its general plans of action ensure that the transparent and accountable nature of the institution will be upheld.”

In other words, tila ginamit nila itong issue ng STAND-UP para maipromote ang ALYANSA. Ang UP ALYANSA ay suportado ng UP AKBAYAN.

2. SA KAISA: Pagkaraan ng ilang araw, inakusahan ng UP BABAYLAN (suportado rin nito ang UP ALYANSA) ang mga “wrong choice of words” ni Ms. Shaina Santiago, running for Chairperson ng KAISA, bilang simbolo ng pagdiskriminate sa mga LGBT. Sinisi pa ng nasabing organisasyon si Ms. Alex Santos sa hindi daw pagturo nito sa kanyang ka-tandem sa advocacy na ipinaglalaban nito.
Nasabit rin dito ang pangalan ni Ms. Nikki Salazar, running for councilor ng STAND-UP, at nagbitiw ng mabigat na paratang sa GABRIELA YOUTH by stating “Yan ba ang progresibong pagiisip na itinuro sayo ng organisasyon mo?” (https://www.facebook.com/upbabaylan/posts/351470648226003).
Ginamit rin itong issue na ito bilang lihim na pang-suporta sa statement nila na “Sila ang ilan sa mga dahilan kung bakit kailangan iboto ng UP si Heart at Pat. Dahil sa Unibersidad ng Pagbabago, madaming indibidual na walang kaalaman sa isyu ng GENDER EQUALITY ang gustong maluklok sa posisyon! “

3. KAY MARTIN LOON: Kalalabas lang kagabi, tinira ni CATHY ALCANTARA (Member of UP ALYANSA) ang di-umanong masamang attendance record at pagkafree-rider ni MARTIN LOON. (https://www.facebook.com/
notes/cathy-alcantara/the-difference-between-black-propaganda-and-the-truth/10150594695143692)

ANG MGA TANONG: Bakit inungkat ulit ang dating issue sa time ng eleksyon? KAILANGAN BANG UNGKATIN AT TIRAHIN ANG MGA WEAK-SPOTS NG KABILANG PARTIDO PARA MA-PROMOTE ANG SARILING PARTIDO? Di ba parang unethical na yon in campaigning?

Ito ba ang taktika ng UP ALYANSA para manalo? Ang manira ng ibang kandidato at hindi lumaban ng patas? Halatang ginamit nito ang mga orgs at tao nito para makapanira ng ibang partido. Maging mulat at bukas ang isip. Alamin ang tunay na nangyayari.